Tumaas ang bilang ng kasong murder ngayon kumpara noong nakaraang administrasyon, pero bumaba naman ang kaso ng ibang krimen.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights kahapon, nabunyag na tumaas ng 8.9% ang murder case simula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.

Ngayong 2016, umaabot sa 6,950 ang murder cases, kumpara sa 6,382 noong 2015.

Aminado naman si Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald de la Rosa na tataas pa ang bilang nito kapag pumasok na ang datos mula Hulyo hanggang Setyembre.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Senator Richard Gordon, may posibilidad na kaya tumaas ang bilang ng murder ay dahil na rin sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa drug pushers at users.

'Wag na mag-ingay

“Tama lang na ipakita niya na galit siya sa droga pero huwag na siya mag-ingay na: ‘Papatayin kita’, ‘I will kill you.’ Hindi tama iyan. Kaya he is falling on his own sword, nadadapa siya sa kanyang espada dahil salita siya ng salita, napagbibintangan tuloy ang buong bansa na ‘yan. Alam nila there is already.. sinasabi ng Presidente na papatayin sila so lalaban na ‘yan, kaya marami ring namamatay,” ayon kay Gordon.

Hindi rin pinalampas ni Gordon si De la Rosa at pinayuhan ito na gawin ang trabaho ng PNP, lalo na sa usapin ng mga pagpatay kung saan mismong ang mga pulis ang nasasangkot.

Walang DDS

Kahapon, itinanggi naman nina retired Superintendent Dionisio Abude, dating hepe ng Heinous Crime Division (HCD) ng Davao City Police, at SPO3 Arthur Lascañas na mayroong Davao Death Squad (DDS) o kaya’y Lambada Boys.

Anila ang DDS ay isang ‘media hype’ lang, pero aminado naman ang dalawa na kakilala nila si Edgar Matobato, ang self confessed DDS hitman at nakasama din sa ilang operasyon. - Leonel M. Abasola