STOCKHOLM (Reuters) – Si Yoshinori Ohsumi ng Japan ang nagwagi ng 2016 Nobel prize para sa medicine o physiology dahil sa pagkakatuklas kung paano nawawasak at muling nabubuo ang cells, upang higit na maunawaan ang mga sakit tulad ng cancer, Parkinson’s at type 2 diabetes.
Pinagkalooban siya ng premyong 8 million Swedish crowns ($933,000)
“Ohsumi’s discoveries led to a new paradigm in our understanding of how the cell recycles its content,” saad sa pahayag ng Nobel Assembly sa Karolinska Institute ng Sweden.
Mahalaga ang trabaho ni Ohsumi sa cell breakdown, isang larangan na kilala bilang autophagy, dahil makatutulong ito upang maipaliwanag kung ano ang nangyayari sa mga sakit.
“Mutations in autophagy (‘self eating’) genes can cause disease, and the autophagic process is involved in several conditions including cancer and neurological disease,” dagdag sa pahayag.
Si Ohsumi ay professor sa Tokyo Institute of Technology simula 2009.