BRUSSELS (AP) – Inaprubahan ng European Union environment ministers ang ratipikasyon ng makasaysayang Paris climate change pact, na nagbibigay-daan para maipatupad ang kasunduan sa Nobyembre.

Nag-tweet si French Environment Minister Segolene Royal noong Biyernes na “Victory!” at sinabing nagkaisa ang ministers na pagtibayin ang mga kasunduan sa pag-uusap sa Brussels.

Inaasahang aaprubahan ng European Parliament ang hakbang sa susunod na linggo.

Mahigit 170 world leaders ang lumagda sa kasundunan, ngunit hindi ito maipatutupad hanggang hindi pa nakakakuha ng lagda mula sa 55 bansa, na katumbas ng 55 porsiyento ng global emissions.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Pinagtibay na ito ng 61 partido, ngunit katumbas lamang sila ng 48% ng emissions.

Sa paglagda ng EU, malalagpasan na ng Paris Agreement ang 55% na kinakailangan.