MAY sama ng loob ang wannabe actor na hindi napasama sa isang TV project na sa tingin niya ay bagay naman siya sa papel at dumaan naman daw siya sa audition at para sa kanya ay siya ang perfect choice.

Pero mali dahil hindi naisip ng wannabe actor na hindi lang looks, galing sa pag-arte, magandang magdala ng damit ang hinahanap ng mga audition master kundi mas malaking bagay ang ugali o attitude.

 

Kaya kung nakitaan na ng hindi magandang ugali ang isang artista, kahit na sabihin pang perfect siya sa role ay agad na itong kino-cross out. Kaysa nga naman mas lalong magkaproblema ang production kapag gumigiling na ang TV camera, e, ireklamo na siya ng lahat na may ‘attitude problem.’

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

 

Ganitung-ganito kasi ang nangyari sa napakahusay na aktor na talagang walang mairereklamo ang lahat mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa pinakamababa ng produksiyon pagdating sa pag-arte. Paano ba naman, laging take one kaya madali silang natatapos.

 

Ang kaso, “Lagi siyang late at pagdating sa set, hihingi pa ng oras para matulog kasi puyat daw siya. E, ang staff and crew ba hindi puyat? Ang hilig-hilig kasing gumimik.”

 

‘Yun na!

 

Mas gugustuhin na lang daw nila ang aktor na maski nakaka-sampung takes sa bawat eksena ay on time namang dumating sa set at kapag wala pang gagawin ay, “Laging tulog. Okay lang ‘yun kasi wala naman siyang napeperhuwisyo sa set. ‘Yun nga lang, hindi rin nakikipagtsikahan kasi tulog nang tulog.”

 

Kakatuwa, ‘no, Bossing DMB? Kanya-kanyang drama ang mga artista. --Reggee Bonoan