WARSAW, Poland (AP) – Nadiskubre ng isang grupo ng explorers ang world’s deepest underwater cave, may lalim na 404 meters (1,325 feet), malapit sa bayan ng Hranice sa silangan ng Czech Republic.

Sinabi ng Polish explorer na si Krzysztof Starnawski, lider ng grupo, sa The Associated Press noong Biyernes, na pakiramdam niya ay siya si “Columbus of the 21th century’’ dahil sa tuklas na ito.

Nadiskubre ni Starnawski, 48, ang yungib noong Martes sa binahang limestone ng Hranicka Propast, o Hranice Abyss, na kanyang ginalugad simula 1998. Sumisid siya sa makipot na espasyo sa lalim na 200 metro at ipinasok ang isang remotely operated underwater robot (ROV), na bumaba hanggang sa lalim na 404 na metro.

Nagsalita sa telepono mula sa kanyang bahay sa Krakow, southern Poland, sinabi ni Starnawski noong Martes na dahil sa tuklas na ito, ang Hranice Abyss na ngayon ang kikilalaning world’s deepest known underwater cave. Tinalo nito ang unang may hawak ng record, ang flooded sinkhole sa Italy na tinatawag na Pozzo del Merro, na nasa 12 metro (39 feet.)
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina