BANGKOK (AP) – Kinumpirma ng mga awtoridad sa Thailand ang dalawang kaso ng mga sanggol na may microcephaly o abnormal ang pagliit ng ulo, na dulot ng Zika virus. Ito ang unang kaso ng Zika-linked microcephaly na natuklasan sa Southeast Asia.

Sinabi ni Dr. Prasert Thongcharoen ng Health Ministry noong Biyernes, na nakumpirma ang kaugnayan sa Zika sa laboratory tests ng dalawa sa tatlong sanggol na tinamaan ng microcephaly. Hindi pa matiyak ang mga resulta sa ikatlong kaso.

Kaugnay nito, hinimok ng World Health Organization ang mga bansa sa Southeast Asia na dagdagan pa ang mga pagsisikap para makontrol ang virus.

“Zika virus infection is a serious threat to the health and wellbeing of a pregnant woman and her unborn child. Countries across the region must continue to strengthen measures aimed at preventing, detecting and responding to Zika virus transmission,” sabi ni WHO Southeast Asia regional director Dr. Poonam Khetrapal Singh sa isang pahayag.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina