BEIJING (AP) — Anim katao ang iniulat na namatay sa dalawang landslide sa pananalasa ng bagyong “Megi” sa timog silangang China.

Ayon sa state-run Xinhua News Agency, tig-tatlong katao ang namatay sa dalawang pagguho ng lupa sa Zhejiang province.

Mahigit 20 katao ang iniulat na nawawala noong Huwebes sa Sucun village, at tatlo naman ang nawawala sa landslide sa Wencheng county.

Patuloy ang search operations sa mga nawawala.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Dala ang malakas na ulan at hangin, hinagupit ng bagyo ang ilang bahagi ng timog silangan ng China at Taiwan.

Maraming bahay ang nawasak, nagsara sa mga paliparan at tren. Limang katao ang namatay sa kasagsagan ng bagyo.