MALVAR, Batangas - Naniniwala ang pamilya ng isang 86-anyos na lalaki na hindi na nito nakayanan ang dinaramdam na sakit bunsod ng katandaan, kaya ito nagpakamatay.

Duguang nakahandusay nang matagpuan ni Leonarda Macatangay sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Isidro, ang asawang si Eusebio Macatangay.

Ayon sa report ni SPO1 James Vargas, dakong 8:30 ng umaga nitong Lunes nang iwan ng ginang ang mister para pumasok sa trabaho.

Dakong 3:30 ng hapon, bumalik ang babae sa bahay at doon na nakitang duguan ang ulo ng matanda.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Namatay sa Daniel Mercado Medical Center sa Tanauan City ang biktima, dahil sa umano’y tinamong sugat mula sa pagpukpok ng martilyo sa ulo.

Nabatid pa sa pamilya ng biktima na ilang beses na umanong nagtangkang magpakamatay ang matanda dahil sa iniindang karamdaman. (Lyka Manalo0