Republican U.S. presidential nominee Donald Trump shakes hands with Democratic U.S. presidential nominee Hillary Clinton at the conclusion of their first presidential debate at Hofstra University in Hempstead

HEMPSTEAD, N.Y. (AP/Reuters) — Sa palabang opening debate, tinuligsa ni Hillary Clinton si Donald Trump noong Lunes ng gabi sa pagtatago nito ng personal tax returns at business dealings at paglalako ng “racist lie” tungkol kay President Barack Obama. Inilarawan naman ni Trump si Clinton na “typical politician” at idiniin na “she’s got experience but it’s bad experience.”

Ang televised face-off mula sa Hofstra University sa suburban New York ay ang most anticipated moment sa election campaign na kapwa makasaysayan at unpredictable. Nagsalpukan ang presidential rivals sa loob ng 90-minuto bitbit ang magkakaibang pangarap para sa bansa.

Nakasuot si Clinton, 68, ng pulang pantsuit, at si Trump, 70, ay nakasuot ng dark suit at blue tie para harapin ang mga isyu na magdidikta sa boto ng bayan sa Nobyembre 8. Ang tawagan nila ay “Donald” at “Secretary Clinton.”

Human-Interest

26-anyos na nabaon sa ₱2M na utang, nilalayuan na raw; netizens, relate-much

Binansagan ni Clinton ang tax policies ng New York businessman na “Trumped-up trickle-down” economics at inakusahan naman ni Trump ang dating secretary of state na “all talk, no action.”

Simula pa lamang ay kontrobersyal na madalas ang pagsabad ni Trump habang nagsasalita si Clinton at nagsasalita rin habang sumasagot ang huli.

Naging personal ang batikos ni Trump kay Clinton sa pagtatapos ng debate. Sinabi niyang, “She doesn’t have the look, she doesn’t have the stamina” para maging pangulo.

Nasilip ni Clinton ang pagkakataong ito upang ipaalala sa mga botante ang maraming kontrobersyal na pahayag ni Trump tungkol sa kababaihan. “This is a man who has called women pigs, slobs and dogs,” aniya.

Binuhay niya ang isyu ng isang dating beauty queen na tinawag ni Trump na “Miss Piggy” at “Miss Housekeeping, because she was Latina.”

Ang babaeng ito, ayon kay Clinton, ay isa na ngayong American citizen — “and you can bet she’s going to vote this November.”

Ang naisagot na lamang ni Trump ay: “Where did you find this? Where did you find this? Oh really?”