Binaril at napatay ng apat na armado ang isang tricycle driver sa Sta. Ana, Maynila sa pagkabigo umano ng huli na mag-remit mula sa kinita sa pagbebenta ng droga.

Agad nasawi si Sandrex Ampo-An, 31, ng 1212 Santan Street, Punta, Sta. Ana, Maynila dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ipinadalang report ni PO2 Rey Rabut kay Police Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 6, dakong 11:00 ng gabi nangyari ang pamamaril habang nagpapahinga ang biktima sa kanyang tricycle, na may plate number na 9810 OE, na nakaparada sa Taal St., sa kanto ng Santan St., Punta, Sta. Ana, Maynila.

Sa salaysay sa pulisya ni Barangay Kagawad Recardo Felix, nabatid na nakaupo si Ampo-An sa driver’s seat ng kanyang tricycle, nang biglang hintuan ng mga suspek at walang habas na pinagbabaril bago tuluyang tumakas.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Aminado ang kapatid ng biktima na si Michelle, 27, manikyurista, na gumagamit ng ilegal na droga ang kanyang kapatid ngunit itinangging nagbebenta ng ilegal na droga. (Mary Ann Santiago)