Kung ang Archdiocese ng Lingayen-Dagupan parishes ay may banner na nagpapaalala sa Fifth Commandment na nagsasabing “Huwag Kang Papatay”, ang Diocese ng Balanga ay maglulunsad din ng streamers laban naman sa pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ang streamer laban sa BNPP ay napagdesisyunan sa kanilang buwanang Clergy Assembly na idinaos noong Setyembre 12.
“We decided that in all parishes, in all our churches we will put tarpaulins with our stand and messages: ‘Ang BNPP ay hindi pag-asa, ito ay panganib. Ang BNPP ay hindi pag-unlad, ito ay kapahamakan. Ang BNPP ay pagkasira ng buhay, kabuhayan at kalikasan’,” ani Santos sa panayam.
Ilan pang mensahe ay nagsasaad ng mga katagang “BNPP: Bunga Nito Pinsala at Pighati” at “Tutol kami. Tigilan na. Tapusin na ang usapin tungkol sa BNPP.”
Binigyang diin ni Santos na mahigpit nilang tututulan ang planong rehabilitasyon sa BNPP. (Leslie Ann G. Aquino)