MAY magandang benepisyong nakukuha ang mga bata na nakakapaglaro ng video games na may limitadong oras kada linggo, bagamat ang paglalaro ng labis-labis na oras ay maaari ring magdulot ng pinsala, ayon sa bagong pag-aaral na inilabas ng Annals of Neurology.

Mainit na pinagdedebatehan ang potensiyal na pakinabang at panganib ng video gaming sa kabataan. Para sa kaliwanagan ng lahat, inimbestigahan ni Jesus Pujol, MD ng Hospital del Mar sa Spain, at ng kanyang mga katrabaho ang kaugnayan ng weekly video game use sa ibang cognitive abilities at conduct-related problems.

Sa kanilang pag-aaral na nilahukan ng 2442 bata na nasa edad pito hanggang 11, nadiskubre ng mga researcher na ang paglalaro ng video games ng isang oras kada linggo ay maiuugnay sa mas magandang motor skills at mas mataas na school achievement scores, ngunit wala nang iba pang benepisyong nakita sa mga bata na naglalaro ng lagpas dalawang oras kada linggo.

Natuklasan din ng grupo na ang lingguhang paggugol sa video games ay maiuugnay sa conduct problems, peer conflicts, at reduced social abilities, na may negatibong epekto lalung-lalo na sa mga bata na naglalaro ng video games ng siyam o higit pang oras kada linggo.

Metro

Bangkay, natagpuang nakahalo sa mga basura sa Quiapo!

“Video gaming per se is neither good nor bad, but its level of use makes it so,” ani Dr. Pujol.

Nang tingnan ng mga investigator sa magnetic resonance imaging scans ang mga brain ng subgroup ng mga bata sa pag-aaral, napag-alaman na maiiugnay din ang gaming sa pagbabago ng basal ganglia white matter at functional connectivity.

“Gaming use was associated with better function in brain circuits critical for learning based on the acquisition of new skills through practice,” paliwanag ni Dr. Pujol. “Children traditionally acquire motor skills through action, for instance in relation to sports and outdoor games. Neuroimaging research now suggests that training with desktop virtual environments is also capable of modulating brain systems that support motor skill learning.”

(Medical News Today)