Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mambabatas na huwag palusutin ang panukalang ibalik ang death penalty sa bansa, sakaling muli itong pag-usapan.

“We ask Catholic lawmakers to withhold support from any attempt to restore the death penalty,” ayon sa CBCP Ethical Guidelines on the Proposals to Restore Death Penalty na ipinalabas kahapon.

Sa pangunguna ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, muling inihayag ang mahigpit na oposisyon ng CBCP sa parusang kamatayan.

“It is this Divine gift of life, sublime and unsurpassable, that the death penalty takes away. It is the breath of life, the gift of the Creator, that every judicial execution snatches and cuts short,” ayon pa sa CBCP.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binigyang diin ng simbahang Katoliko na kasama si Pope Francis, naniniwala sila na kontra sa plano ng Diyos para sa bawat isa, at sa sosyudad, ang death penalty.

Panahon na umano upang alisin sa isipan ng bawat isa na ang mga kriminal ay dapat na mamatay, lalo na’t ang karapatang mabuhay na ipinagkaloob ng Diyos ay para din sa mga ito. (Leslie Ann G. Aquino)