Laro Ngayon:

(Rizal Coliseum)

8 n.g. -- Macway vs SJB

Sisimulan ng Macway Travel Club ang kampanya para sa back-to-back title sa pakikipagtuos sa New San Jose Builders sa pagsisimula ng 2016 MBL Open basketball championship ngayon sa Rizal Coliseum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatakda ang sagupaan ganap na 8:00 ng gabi kung saan ang Macway at San Jose ay inaasahang magpaparada na may pinakamalakas na line-up sa season-ending tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Gerry’s Grill at Dickies Underwear.

Sina PBA legends E.J. Feihl, Bonbon Custodio at Nino Marquez at mga beteranong sina Pol Santiago, Anthony Cuevas, Mark Fampulme at Erwin Sta. Maria ang mangunguna sa Macway, tinanghal na kampeon sa MBL noong Mayo.

Tatayong coach ang dating Macway mainstay na si Daniel Martinez, habang si Rey Alao ang bagong manager.

Ang dating coach na si Manny Mendoza ay mananatili bilang consultant.

“Tiwala kami na kaya ng team na maka-dalawang sunod sa MBL. Kumpleto ang team at tuloy ang pag-eensayo matapos ang aming MBL-Macway Cup noong Hulyo,” pahayag ni businessman-sportsman Erick Kirong.

Si Kirong at ang kanyang Macway ang may kabuuang 16 titulo sa iba’t-ibang commercial league mula noong 2013.

Nasa Macway lineup din sina dating MBLVP Jemal Vizcarra, Harold Sta. Cruz, Kevin Espinosa, Dan Natividad, Alvin Vitug, Jordan Melaño, Totot Mangaran, Teng Reyes, Andreas Cahilig, Joggy Laude at Mark Lagrimas.