CABUGAO, Ilocos Sur – Hinarang ng Philippine Navy nitong Huwebes ang tatlong Vietnamese fishing vessel na kinalululanan ng 17 magsasaka dahil sa umano’y ilegal na pangingisda sa West Philippine Sea, may 21 nautical miles sa kanluran ng Dile Point sa Vigan City, Ilocos Sur.

Kinilala ni Navy commander Ronnie Paba, hepe ng Naval Task Group 11.1, ang 17 Vietnamese na sina Tran Huu Trung, Bui Van Liem, Le Tien, Bui Van Luom, Huynh Hgoe Tuan, Le Than Trung, Tran Hoang Kim, Va An, Phan Haui Tuy, Nguger Van Phoung, Ngryan Dy Fuong, Vo Thien, Dink Thien Son, Nguyen Gio, Hyunh Thanh Thang, Do Thenh Lai at Tran Huu Phuc.

Matapos ang paunang dokumentasyon at imbentaryo sa tatlong bangkang pangisda at sa 17 dayuhan sa Fort Salomague sa Cabugao, dinala na kahapon ang mga mangingisda sa Naval Forces Northern Luzon (NFNL) headquarters sa La Union para sampahan ng illegal poaching at illegal entry. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?