Ang una sa 17-Leg 2016 UFCC Stagwars ay papagitna ngayon sa bagong Las Pinas Coliseum.

May 40 matitibay na entry ang magbabanggaan sa nakatakdang one-day 6-stag derby, tampok ang 120 sultada na sisiguruhing makapagbibigay kasiyahan sa mga apisyonado dahil sa galing at husay ng mga manok na maglalaban – isang bagay na kinikilala ang UFCC.

Si Thunderbird corporate endorser Engr. Sonny Lagon na naghaharing 2016 UFCC Cocker of the Year ang isa sa mga paboritong mamayani. Inaabangan ang mga bagong palahi ni Lagon mula sa kanyang pundasyong linyada ng mga Machine Kelso, Sweater at Grey.

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Stagwars ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum; Resorts World – Manila and Solaire Resorts & Casino.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang mga kalahok, ay kinabibilangan nina Alex Ty, Anthony Lim, Arman Santos, Atong Ang, Atty. Abella, Atty. Arcal Astorga, Atty. Cappuchino, Bebot Roxas, Ceasar Dy, Engr. Celso Salazar, Gov. Claude Bautista, Dorie Du, Eric dela Rosa, Cong. Jose Panganiban, Fiscal Villanueva/Eboy, Gerry Ramos, Gerry Teves, Gov. Eddiebong Plaza, Gov. Ito Ynares, Homer/Danny Soriano, Gerry Boy Espina, Jerry Que, Joey delos Santos, Jojo Cruz, Ka Ador Pleyto, Ka Luding Boongaling, Coun. Marvin Rillo, Nelson Uy/Dong Chung, Rey Briones, Ricky Magtuto/Willard Ty, RJ Mea, Engr. Tony Marfori, Edwin Tose, Patrick Antonio, Cong. Peter Unabia and Pol Estrellado.

Ang 2016 UFCC Stagwars ay gaganapin sa apat na magkakaibang sabungan sa layunin na mas mailapit ang mga tinaguriang mga “idolo” ng sabong sa masang-sabungero.

Ang Las Piñas Coliseum sa Zapote, Las Piñas City na may bagong parking building ang magiging lugar ng labanan para sa lahat ng one-day 6-stag derbies sa Septyembre 10, 17, 24; Oktubre 1, 8, 15 & 22.