LAUR, Nueva Ecija - Ipinag-utos ni Laur Mayor Alexander Daus ang puspusang pagsisiyasat sa pagpaslang sa apat na katao at pagkasugat sa isa pa nitong Sabado ng hapon, sa Sitio Minalkot sa bayang ito.

Makaraang makipagpulong ang alkalde kina Army Lt. Col. Rodney Intal, commander ng 70th Infantry Battalion; Senior Insp. Romualdo Lopez, OIC ng Laur Police; Darren Morales, ng Provincial Agrarian Reform (PAR), itinakda ang isa pang pulong bukas, Setyembre 9, kasama ang iba pang benepisyaryo ng Almana 3100, na pinag-ugatan ng gulo.

Pinagbabaril at napatay habang nagtatayo ng kubo sina Elijo Salvatierra Barbado, Gaudencio Morales Bagalay, Emerenciana Dela Rosa, at Violeta De Leon Mercado, 57, pawang ng Barangay Mapalad, Sta. Rosa, Nueva Ecija; habang sugatan naman si Angelita Yasay Milan.

Sinabi ni Daus na nangyari ang pamamaril sa bukid na nakatakdang ipamahagi sa nararapat na benepisyaryo, kabilang ang mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar