Magkakaroon ng panibagong kaganapan sa kasaysayan ng sabong sa Pilipinas sa susunod na taon kapag ginanap na ang nakatakdang 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby sa tanghalan ng Resorts World – Manila sa Enero 15 – 21.

Magkakatuwang na itataguyod ng limang sikat at iginagalang na mananabong ng bansa, sina Charlie “Atong”Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea, ang pitong-araw na pandaigdigan labanan ng mga pinakamahuhusay na manok-panabong ay may garantisadong premyo na P15,000,000. Ang entry fee ay P88,000, samantalang ang minimum bet ay P33,000.

Natatanging sponsor ang premium conditioning feed na Thunderbird Platinum at ang Resorts World – Manila.

Ang bawat kalahok ay bibigyan ng libreng hotel room sa araw ng kanilang laban. Bilang karagdagan, ang bawat kasali ay may libreng registration fee sa gagawin Baccarat Tournament kung saan milyun-milyon piso ang maaring mapanalunan.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Ang World Pitmasters Cup ay may pahintulot ng Games & Amusement Board at susundin ang 2-3-4 format, kung saan magkakaroon ng dalawang magkahiwalay na 2-cock eliminasyon sa Enero 15 (Group A) & 16 (Group B) at dalawang magkahiwalay na 3-cock semis sa Enero 17 (Group A –lahat ng entry) at Enero 18 (Group B – lahat ng entry).

Matapos ang semis, lahat ng kalahok na may iskor na 2; 2.5 & 3.5 puntos ay maglalaban para sa kanilang 4-cock finals sa Enero 19 (Group A) at sa Enero 20 (Group B).

Ang 4-cock grand finals ay papagitna sa Enero 21 para sa lahat ng kalahok na may iskor na 4; 4.5 or 5 puntos.

“Dumating na ang pagbabago sa ating bansa at narito na rin ang pagbabago na kailangan sa larangan ng sabong. Isang pasabong na tunay na world-class, parehas, tapat at magbibigay ng tama para tumbasan ang mga kalahok” pahayag ni Atong Ang.

“Ito ang pasabong ng mga taong naglalaban ng manok sa buong Pilipinas” pagmamalaki ni Engr. Lagon. “Gagawin namin ito hindi para kumita kundi para patunayan na magagawa namin ang isang international derby nang mas maayos.

Para sa karagdagan detalye, mangyaring mag-email sa [email protected] o mag text sa 0906-2026191.

Sundan sa Faceboook ang laban sa https://www.facebook.com/worldpitmasterscup