Kim, Coco,  Onyok at Luis copy

ANG saya-saya at tuwang-tuwa ang mga kamag-anak at kaibigan naming nanood ng ASAP in New York, USA nitong nakaraang Linggo dahil ang ganda-ganda raw ng show at ang gagaling lahat ng singers at bongga ang production numbers at higit sa lahat, “ang guguwapo at ang gaganda ng artista ng ASAP.”

Nang malaman ng mga kamag-anak at kaibigan namin ang schedule ng ASAP na gaganapin sa NYC at New Jersey, Pebrero pa lang ay nagtanong na sa amin kung kailan ang release ng tickets at bibili na raw sila para hindi sila maubusan.

Kaya mega-tanong din kami sa mga taga-ASAP na natawa sa amin dahil Pebrero pa lang nga at mga huling linggo pa pala ng Hulyo ire-release ang tickets.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Alas dos ng madaling araw ng Linggo ay ka-chat namin ang mga tita namin sa walang humpay nilang kuwento at kasiyahan na nakita nila nang personal ang mga sikat na artista ng ABS-CBN.

Cute na cute sila kay Onyok na first time lumabas ng bansa pero New York kaagad ang destinasyon, huh, kaya andami niyang tinalo. 

Kasama ni Onyok si Coco Martin na most requested daw ng mga Pinoy sa Amerika dahil sa top-rating show na FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang bait daw ni Gerald Anderson na lumapit pa sa audience para magpa-picture.

Labis-labis ang pasasalamat ng mga Pinoy sa New York sa The Filipino Channel o TFC sa pagdala ng ASAP sa lugar nila dahil once in a lifetime experience daw ito at ang daming artista raw talaga.

“Bago pa ang ASAP, nakita namin ‘yung ibang artists dito sa Manhattan, naglilibot sila, para silang hindi artista, looks ordinary at mababait, laging naka-smile kapag may mga nasasalubong silang Pinoy,” sabi pa ng tita namin.

Pinagkakaguluhan daw ng mga ASAP artist na magpa-picture sa Brooklyn Bridge, ha-ha-ha-ha.

“Ang cute nina Daniel (Padilla) at Kathryn (Bernardo), sobrang ganda ni Liza (Soberano), ang galing ng Birit Queens, pogi ni Gerald, bagay talaga sila ni Kim (Chiu), ‘kakatuwa si Luis (Manzano),” ilan lang ito sa mga kuwento sa amin.

Samantala, hindi pa nga nakakabalik ng Pilipinas ang ASAP ay may hiling na ulit ang mga kababayan sa NYC, “sana mag-show ulit sila dito.”

Congratulations sa Team ASAP at TFC, pinaligaya ninyo nang wagas at bonggang-bongga ang mga kababayan natin sa New York. (REGGEE BONOAN)