Kung nais talaga ni Pangulong Duterte na matulungan ang Pinay drug convict na si Mary Jane Veloso, iminungkahi ng isang obispo na napapanahon na upang utusan ng Pangulo ang korte na pabilisin ang paglilitis sa umano’y mga illegal recruiter ng huli.

“Let us remember Indonesian authorities are waiting from us, result of trial of Cristina Sergio and Julius Lacanilao, to prove that Mary Jane was trafficked and their victim as drug mule. Mary Jane was a victim, not user and not pusher,” ayon kay Bishop Ruperto Santos, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Pastoral care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI).

Kung kaya, sinabi niya na mas makabubuti “that our president would ask RTC 37 to speed up the trial of Cristina and Julius.”

Nang pansamantalang inihinto ang parusang bitay sa Indonesia, nanawagan si Bishop Santos sa gobyerno na samantalahin ang panahon upang pabilisin ang proseso ng paglilitis sa dalawang recruiter.

National

DOH, nakapagtala na ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“We appeal to our juridical officials to speed up the process. And so Mary Jane could be spared immediately of continual stay and suffering in prison,” pahayag ni Bishop Santos noong panahong ‘yon. “Indonesia court waits and will rely on our court decision.”

Matatandaang nahatulan ng bitay si Veloso makaraang mahulihan ng 2.6 kilo ng cocaine sa kanyang bagahe sa airport ng Indonesia. (Leslie Ann G. Aquino)