Inamin kahapon ni Senator Leila de Lima na matagal nang sumasailalim sa wiretapping ang kanyang cell phone, sinabing hindi niya maintindihan kung bakit kailangang gawin ito sa kanya.

“For what purpose? High risk ba ako? Is that the main purpose why my cellphones are tapped?’’ tanong ni De Lima sa pagdinig kahapon ng Senate committee on public order and dangerous drugs ni Sen. Panfilo Lacson para malaman kung maaaring i-wiretap ang mga telepono ng mga sindikato ng droga.

“So what legitimate purpose is being served kung ganun? Terrorist ho ba ako o dahil ‘yung sinasabi ng iba na drug coddler ako? ‘Yun ho ba ang purpose kung bakit tina-tap ang mga cellphones ko ngayon? I don’t expect anyone to answer that question, I’m just thinking aloud. Huwag na ho tayong maglokohan kasi mahilig kasi akong manood ng mga detective stories, eh,” ani De Lima.

Matapos sabihin ito ng senadora, inamin naman ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa na siya mismo ay may hinala rin na wiretapped ang kanyang telepono.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Your honor, I’m also suspecting that my cellphone is being tapped,” sabi ni Dela Rosa.

Nagtanong naman agad si De Lima kung sino ang maaaring gumawa ng wiretapping.

“Your honor, we have no control over the technology. Meron tayong mga foreigners na may technology na ganun, at wala tayong kontrol sa kanila. They can monitor our conversation from far away place. ‘Yun ang problema natin,” tugon ni Dela Rosa. (Leonel Abasola)