CEBU CITY – Kinumpirma ni Cebu Gov. Hilario Davide III na nakatanggap siya ng mga ulat sa umano’y planong itakas sa piitan ang sumukong drug lord na si Alvaro “Barok” Alvaro.

Dahil dito, nagpatawag si Davide at ang provincial jail ng elite police upang paigtingin ang seguridad sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC), kabilang na ang masusing monitoring sa lahat ng bilanggo.

Nasa 20 operatiba ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) ang nakaistasyon ngayon sa loob ng piitan, kasabay ng pagdadagdag ng jail guards.

Sinabi ni CPPO director Senior Supt. Jose Macanas na pansamantala ring sinuspinde ang regular visiting hours sa CPDRC.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kinukumpirma naman ni Police Regional Office (PRO)-7 director Chief Supt. Noli Taliño ang katotohanan sa likod ng nasabing report.

Isa sa mga pangunahing drug lord sa Central Visayas, sumuko si Barko sa National Bureau of Investigation dalawang araw makaraang mapatay sa drug operations sa Las Piñas ang isa pang big-time drug lord sa Cebu na si Jeffrey Diaz, alyas Jaguar. (Mars W. Mosqueda, Jr.)