Nagpaalala ang National Bureau of Investigation (NBI) Region II sa mga job hunter na huwag basta maniwala sa mga taong nagpapakilalang opisyal ng gobyerno at nag-aalok ng anumang trabaho.

Ito ay kasunod ng pakakabuko sa isang Jethro Mendez na nagpakilalang incoming Assistant Regional Director ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region II.

Sinabi ni Ronald Guinto ng NBI Region II na dapat malaman ng lahat na kung government agency ang inaaplyang trabaho ay hindi kailangan ng transaction sa labas dahil sa opisina lamang sila tumatanggap ng aplikante.

Naglabas ng babala ang DOLE Region II matapos magtungo ang ilang aplikante sa kanilang tanggapan para raw pumirma ng kontrata sa trabaong ipinangako ni Mendez kapalit ng perang ibinigay ng mga biktima. (Beth Camia)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'