Huwag tangkilikin ang sariling atin.

Ito ang aral na natutuhan ng isang dating vice mayor ng Basilan matapos siyang kasuhan ng graft sa pagbili ng aabot sa P1-milyon gasolina mula sa sarili niyang gasolinahan noong 2012.

Kinasuhan sa Sandiganbayan si dating Lamitan City Vice Mayor Arleigh Wee Eisma ng tatlong bilang ng paglabag sa Section 3(h) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon sa kaso, mismong si Eisma ang nag-apruba sa pagbili ng 15,781 litro ng diesel at 4,662 litro ng gas sa kanyang Shell gasoline station noong Agosto-Oktubre ng 2012.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inaprubahan din ni Eisman ang pagbabayad ng P1.1 milyon pambili ng gasolina sa loob ng tatlong buwan. (Rommel P. Tabbad)