Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa paglipana ng mga pekeng PDEA agents, kung saan nangongotong umano ang mga ito, kapalit ng pangakong ‘aalisin sa listahan ng ahensya ang pangalan ng biktima na sangkot sa ilegal na droga.’

“We are appealing to the public to be vigilant in dealing with people posing as PDEA operatives and personnel with the promise of removing persons of interest from the list of targeted drug personalities by issuing certificates in return,” ani PDEA Director General Isidro S. Lapeña.

Sinabi ng opisyal na biglang dumami ang pekeng PDEA agents nang magdagsaan ang bilang ng mga sumurender na drug user at pusher.

Sa report, umiikot umano ang mga imbitasyon para sa mga indibidwal upang sumurender, at ang newsletter ay may pekeng pirma ng PDEA chief at PDEA regional directors.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Bukod sa ‘pagbura sa pangalan sa listahan’, kumukulekta din umano ang sindikato ng processing fee para naman sa mga aplikante sa PDEA Drug Enforcement Officers’ Basic Course (DEOBC) Training, anim na buwang pagsasanay, para maging PDEA agents. (Chito A. Chavez)