Nais ng isang kongresista na magsagawa ng imbestigasyon ang Kamara sa umano’y kaso ng landgrabbing sa 602 ektarya ng Patungan Cove sa Barangay Santa Mercedes, Maragondon, Cavite.
Sa House Resolution No. 209, hiniling ni Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao sa 209 sa Committees on Ecology, Natural Resources at Agrarian Reform, na siyasatin ang ulat na ibinenta ng Maria Theresa Virata (MTV) Realty Corporation ang 602 ektarya ng Patungan Cove sa Manila Southcoast Development Corporation (MSDC).
Sinabi ni Casilao na inihayag ng Save Patungan Now Movement (SPNM), organisasyon ng mga mangingisda at magsasaka, na ang tax declaration ng MTV Realty Corporation ay para lang sa 13.5 ektarya ng lupain.
Ayon sa kanya, una nang nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang pinagtatalunang lupain ay saklaw ng isang marine reservation area na hindi maaaring angkinin ng isang pribadong tao o kumpanya, o isyuhan ng mga titulo. (Bert de Guzman)