DAVAO CITY – Napikon ang presidential daughter na si Mayor Sara Duterte sa tweet ng kilalang forensic pathologist tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Unang nag-tweet si Dr. Raquel Fortun tungkol sa pagdadalantao ng alkalde.

“Too early to rejoice over 7 weeks lalo na triplets. Wait for delivery and spare oneself from heartache,” tweet ni Fortun.

Gayunman, may mistulang parunggit din ang tweet na ang inihayag ng alkalde ay “PR for Lolo?”, na tinutukoy si Pangulong Duterte.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Dito na napikon si Mayor Duterte.

“Ah yes PR pero bago ka mag-tweet basahin mo muna ‘yung PR,” sabi ng alkalde.

Isinapubliko ni Mayor Duterte ang pagpapaalala kay Fortun na ang inilabas na PR ay bilang pagpapaliwanag kung bakit hindi nakadalo ang alkalde sa pagsisimula ng Kadayawan Festival ngayong linggo.

“Please take note, that public officials need to explain their absence in important events,” ani Inday Sara.

“And when I do get the heartache, it will still be a media blitz and when we defy the odds it will be a PR fiesta and you will still be Miss Bittermelon.”

“Problema sa imuha Miss kay di ka ganahan sa Lolo manunglo ka sa mga gisabak, 3 baya ni, buot pasabot ang gaba ani katulohon pud (Ang problema sa ‘yo, miss, dahil lang hindi mo gusto ang lolo, pagbabantaan mo na ang mga baby. Tatlo sila. Ibig sabihin, tatlong beses din ang balik ng karma),” anang alkalde.

“Turn off your Twitter, do your work, mind your own business and spare yourself the heartache,” dagdag pa ni Inday Sara.

Samantala, ikinagulat naman ni Fortun ang naging reaksiyon sa kanyang tweet, malinaw na nabasa ang sariling Instagram post ni Mayor Duterte.

“Came from work haven’t read everything on my TL yet. I never doubted ur pregnancy Mayor Duterte I do wish you well. Had 2 miscarriages myself,” sabi ni Fortun.

Sa isa pang tweet, binatikos ni Fortun ang labis na atensiyong kanyang natanggap. “There was a time when people were more discerning abt what’s personal and public. But what do I know I’m not celeb.” (Yas D. Ocampo)