Mga Laro sa Martes

(Strike Gym, Bacoor, Cavite)

(Game 2 of Best-of-3 Finals)

4:30 n.h. -- Phoenix vs Tanduay

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Binalikat ni Mac Belo ang pamumuno sa Phoenix sa second half upang maigupo ang Tanduay, 84-76, sa Game 1 ng 2016 PBA D-League Foundation Cup Finals nitong Huwebes sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Nagposte ang dating FEU standout ng 27 sa kanyang kabuuang 30 puntos sa huling dalawang quarters, bukod pa sa 14 na rebound at tatlong assist upang giyahan ang Phoenix sa 1-0 bentahe sa best of three series.

“He refused to give up,” pahayag ni coach Eric Gonzales patungkol kay Belo.

Sinimulan ni Belo ang pagbalikwas ng Phoenix na nagtala ng 10-0 blast sa kalagitnaan ng fourth period upang iposte ang 76-67 bentahe, may 3:17 sa laro.

“Ang pep talk namin kanina is it depends kung sino ang uhaw. Sabi kasi ni coach Lawrence (Chongson), mas uhaw ang Tanduay. I challenged them to show it on the court,” aniya.

Nagdagdag naman si Roger Pogoy ng 22 puntos, anim na board at tatlong assist, kasunod si Mike Tolomia na may 12 puntos, anim na assist, at tatlong rebound.

Nanguna naman si Reden Celda para sa Tanduay sa iniskor nitong 15 puntos. (Marivic Awitan)