CONGRATULATIONS kay Alden Richards. Isang malaking tagumpay ang launch at autograph signing ng kanyang librong Alden: In My Own Words sa Robinson’s Galleria Activity Center nitong nakaraang Linggo. 

May set rule ang Summit Books sa mga magpapa-sign ng books na kailangang mag-register starting 1:00 PM at ang first 300 registrants lang ang puwedeng magpapirma simula 4:00 to 6:00 PM.

Pero as early as 6:00 AM, sarado pa siyempre ang mall, dumating na ang maraming tao na gustong mauna sa pila. Ang iba, galing pa sa sa malalayong lugar. Iyong isang fan na nakausap namin, galing pa ng Ilocos Norte, umalis sila ng kasama niyang balikbayan from Maryland, USA, Saturday evening at Sunday morning sila nakarating ng Robinson’s Galleria. Ang ibang dumating, kung saan-saang probinsiya rin nanggaling.

Nagkaroon pa ng konting hindi pagkakaintindihan sa pagpila, dahil iyong maagang dumating, gumawa na ng pila, kaya nang mag-announce na puwede nang pumila ang fans, maraming nagalit dahil nakapila na nga naman sila, pero hindi raw iyon ang official na pila. Nagkaayos din naman at binigyan na ng numbers ang fans.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pagdating ni Alden mula sa kanyang Sunday Pinasaya matapos niyang magpasalamat sa lahat ng dumalo, nagkaroon muna siya ng announcement na dahil sold-out na ang first batch ng inilabas na libro sa bookstores, isinasagawa na ang reprinting para maipadala at magkaroon din ng copy ang Team Abroad ng love team nina Alden at Maine Mendoza.

Nagkaroon din ng interview kay Alden ang ilang entertainment press and bloggers, TV shows, kasama si Ms. Christine Babao para sa kanyang show sa GMA, ang @moneywisetvph.

Nakita ni Alden kung gaano karami ang fans sa event area kaya kung 300 books ang puwede niyang pirmahan, sinabi niyang puwede pa siyang pumirma ng another 200 copies. Kaya tuwang-tuwa ang fans na hindi umalis sa event. 

Kahanga-hanga si Alden na kahit may jet lag pa from his flight galling Morocco, parang wala siyang kapaguran sa pumirma ng more than 500 books, magazines and memorabilias, cellphones, t-shirts at nag-pose sa every 20 fans na umakyat sa stage. 

Labis-labis ang pasasalamat niya sa lahat ng fans na dumating. (NORA CALDERON)