Agosto 15, 1914 nang opisyal na magbukas ang Panama Canal na nagsisilbing lagusan ng tubig sa Isthmus of Panama.
Pinangunahan ng cargo and passenger vessel na Ancon ang seremonya, ngunit walang dumalong international dignitary.
Inaprubahan ng United States (US) Senate ang Hay-Bunau-Varilla Treaty sa pagitan ng Panama at US noong Pebrero 23, 1904. Tumanggap ng $10 million ang Panama, maliban pa sa taunang renta na $250,000, kapalit ng karapatang magtayo, magpanatili at magprotekta ng canal sa US.
Sinagot ng Americans ang $375,000,000 para sa pagpapatayo ng canal. Itinayo ang nasabing proyekto nang
walang bahid ng kurapsiyon. Itinayo ang canal sa loob ng isang dekada.