Inihayag ng Japan noong Biyernes na magbubuhos ito ng $2.4 billion sa bagong railway sa Pilipinas na naglalayong maibsan ang matinding trapik sa Metro Manila.

Sinabi ng bansa na pangunahing trading partner at pinagmumulan ng aid ng Pilipinas, na ikokonekta ng 38-kilometrong elevated commuter line ang Manila sa lalawigan ng Bulacan upang mapaluwag ang kabisera at makatulong sa pagsusulong ng ekonomiya.

“This is one of the biggest projects Japan has ever embarked upon using the yen loan,” sabi ni Masato Ohtaka, deputy press secretary ng Japan foreign ministry, sa mamamahayag sa Manila.

“Railways are one of our fortes ... We sympathise with the Filipinos that this is a project that needs to be done very, very quickly.”

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Idinagdag ni Ohtaka na bukas din ang Japan sa pagtatayo ng railway sa Mindanao, isang proyekto na ayon kay Pangulong Duterte ay unang inalok ng China na kanilang popondohan.

Ang railway ay kabilang sa mga topiko na tinalakay ng bumibisitang si Japanese Foreign Minister Fumio Kishida kay Duterte noong Huwebes sa Davao City.

50-50 HATIAN

Matapos ang pulong nila ni Kishida, nagdaos ng press conference si Duterte at ipinanukala na isama sa pagbabago sa Saligang Batas ang pagluluwag sa pag-aari ng mga dayuhan ng mga kumpanya sa Pilipinas upang maisulong ang paglago ng ekonomiya at paglikha ng mga trabaho sa bansa.

Ayon sa Pangulo, pabor siya sa panukalang 50-50 limitasyon sa pagmamay-aari ng mga banyaga ng mga lupain, likas na yaman, public utilities, at iba pa, mula sa kasalukuyang 60-40 patakaran sa Constitution.

“In the coming days, we might be able to fix something in the Constitution,” sabi ng Pangulo.

“I was against before of selling the lands. I think that is still my stand but I’m willing to change this 60-40 thing, make it more elaborate, maybe even if it is a half-half thing as long as there are good investments where they can provide livelihood for everybody. ‘Yan ang kulang natin,” diin niya.

(AGENCE FRANCE –PRESSE at ni GENALYN KABILING)