CEBU – Nagpasa ng ordinansa ang Cebu Provincial Board para pagkalooban ng scholarship ang mga anak ng mga sumuko sa pagkakasangkot sa droga sa lalawigan.

Tinaguriang “Paglaum (Hope) Scholarship Program”, sa bisa ng ordinasa ay magbibigay ang probinsiya ng P10,000 libreng matrikula at bayad sa miscellaneous fees, bukod pa sa P1,500 subsistence allowance sa mga may kapansanan at mahihirap na estudyante at sa mga anak ng mga sangkot sa droga na sumuko sa awtoridad. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito