EARTH Overshoot Day nitong Lunes. Sa araw na ito tinataya ang pangkalahatang konsumo ng sangkatauhan sa likas na yaman kumpara sa inilaan dito para sa buong taon, ayon sa datos na kinalap ng Global Footprint Network.

Ang paggamit ng mas maraming likas na yaman kaysa kayang likhain ng mundo ay posible dahil mas maraming carbon dioxide ang inilalabas ng mga tao sa atmospera kumpara sa nakukuha ng karagatan at kagubatan, at mas mabilis nating nababawasan ang mga pangisdaan at kagubatan kaysa sa muling pagkalikha o pagdami ng mga ito.

Tinukoy ng international think tank na Global Footprint Network ang petsa ng Overshoot ng Global Footprint Network sa paghahati ng biocapacity ng planeta (ang bilang ng ecological na yaman sa mundo na bubuuin sa nasabing taon), sa pamamagitan ng ecological footprint ng sangkatauhan (pangangailangan ng sangkatauhan para sa isang taon) at pag-multiply nito sa 365, ang bilang ng araw sa isang taon.

Habang lumalaki ang populasyon ng mundo at tumataas ang pagkonsumo, nalipat ang petsa ng Earth Overshoot Day, mula sa huling bahagi ng Setyembre noong 2000 ay naging Agosto 8 ngayong taon.

Gayunman, ang bilis ng paggalaw ng Earth Overshoot Day sa kalendaryo ay bumagal sa wala pang isang araw sa isang taon sa karaniwan sa nakalipas na limang taon, kumpara sa karaniwang tatlong araw sa isang taon mula nang nagsimula ang overshoot project noong unang bahagi ng 1970s.

Sa kabila nito, ang nakaraang Earth Overshoot Day ay lumagpas ng anim na araw, at ginunita noong Agosto 14, 2015.

Sinabi ng Global Footprint Network na sa kabuuang taya, ang sangkatauhan ay mangangailangan ng 1.6 na planetang Earth upang masuportahan ang ating uri ng pamumuhay. (Time)