SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Pinasok at pinagnakawan ng dalawang hindi nakilalang lalaki ang bahay ng isang mag-asawang negosyante, na matapos igapos ang ginang ay pinatay naman sa paghataw ng matigas na bagay ang mister nito sa Purok 5, Barangay Calaba sa bayang ito, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng San Isidro Police ang nasawi na si Fernando Manalo y Ortiz, 57, na ilang beses na pinagpapalo sa ulo ng isang matigas na bagay.

Sa imbestigasyon ni PO2 Richard Bondoc, dakong 7:40 ng gabi nang pasukin ng mga hindi kilalang kawatan ang bahay ng pamilya Manalo at agad na iginapos ang nag-iisa sa bahay na si Josephine Manalo y Velasco, 52 anyos.

Pag-uwi ni Fernando ay sinalubong siya ng isa sa mga suspek at pinaghahataw sa ulo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Natangay sa mag-asawa ang mga electronic gadget at mga alahas na nagkakahalaga ng P300,000. - Light A. Nolasco