Kumpiyansa ang government peace panel na makakalabas din ng kulungan ang mga consultant ng National Democratic Front (NDF) bago pa man magbukas ang usapang pangkapayapaan sa Oslo, Norway ngayong buwan.

Ito ang inihayag ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), kung saan hihilingin umano ni Labor Secretary at head ng peace panel Silvestre Bello sa government prosecutors na magsampa na ng kakailanganin mosyon para sa pansamantalang paglaya ng communist leaders.

Sa labingtatlong consultants, tatlo lamang ang pinayagan ng Supreme Court (SC) na makarating sa Oslo, samantala ang sampung iba pa ay kailangang humiling sa regional trial courts, kung saan nakabinbin ang kani-kanilang mga kaso.

“The Supreme Court underscored the immediacy of the issue at hand and urged the Regional Trial Courts, which have jurisdictions over their cases, to act with dispatch petitions that would come their way with regards to the detained NDF consultants so as the peace process could be expedited,” ani Bello.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala nilinaw naman ni Bello na ang ‘paglabas’ ng NDF consultants ay hindi indikasyon na palalayain na ang lahat ng political prisoners sa bansa.

Noong Hulyo 22, hiniling ng Office of the Solicitor General sa SC na payagang magpiyansa ang mga lider ng rebeldeng komunista para sa kanilang pansamantalang kalayaan. Ito ay kasunod ng bubuksang usaping pangkapayapaan sa Oslo sa Agosto 20. - Jenny F. Manongdo