MAY taong nakapagsabi na: “Ang lalaking mabilis magalit ang laging talo.” Maaari itong i-apply sa nangyari sa Philippine Army reservist na si Vhon Tanto na pumatay at bumaril kay Mark Vincent Garalde, 35, at nakasugat sa isang estudyante.
Nadakip si Tanto sa Masbate at inaming nandilim ang kanyang paningin.
(Sana lang ay hindi “dumilim” ang kanyang paningin dahil sa natamong black eye mula kay Geralde.
Kabilang na ngayon si Tanto sa listahan ng road rage incidents. Naaalala niyo ba ang kaso ni Rolito Go? Noong gabi ng Hulyo 2, 1991, binaybay ni Go ang one-way na kalsada nang halos mabangga niya ang sasakyan ni Eldon Maguan.
Dahil sa galit, ay walang sabi-sabing pinagbabaril niya si Maguan.
Gayundin ang nangyari sa vice president ng isang information management company sa Makati at kanyang kasamang babae na nakatapat ang isang legal officer ng Pasig City government, Manito Hernandez.
Kung ating iisipin: Kahit ikaw ay isang abogado na alam ang bawat batas mula A-Z ay hindi makasisiguro na mapipigilan niya ang kanyang nararamdamang galit.
Ang pagkakamaling ito ni Tanto ay nagtuturo sa atin ng aral, lalo na sa mga taong “maikli ang pasensya”.
MISMONG SI HESUS AY NAGAGALIT. Hindi masama ang magalit. Mismong ang Panginoon ay nagagalit. Naaalala niyo ba kung paano siya nagalit sa mga hipokritong Pharisees? (Basahin ang John 2,15).
Ang hindi mapigilang pananakit ang lubhang makasalanan.
NARITO ANG ILANG TIPS. Ang mga dapat gawin: 1) Gaya ng sinabi ni Roman Seneca, “The greatest remedy for anger is DELAY”; 2) Isipin ang mga parusang kahaharapin kapag nandilim ang paningin, kapag hindi pinigilan ang sarili, gaya ng pagpatay na mauuwi sa habambuhay na pagkakakulong o kaya’y atakihin sa puso o hypertensive stroke.
3) Ang pinakamabisang paraan ay ang pananahimik. Natatandaan niyo ba ang nangyari kay MMDA traffic enforcer Sonny Fabros? Kahit na dumanas siya ng pananakit at paninigaw mula sa motoristang lumabag sa batas-trapiko, nanatili siyang mahinahon sa pangyayari.