Hindi na makakalahok ang mga nakalipas na kampeon sa three-point shootout at slam dunk event sa NCAA All-Stars kung kaya’t inaasahang magiging maigting ang laban para sa bagito at dati na ring sumabak sa laban sa Agosto 12, sa San Juan Arena.

May iniindang injury si reigning slam dunk champion Jebb Bulawan ng Lyceum, habang graduate na at kasalukuyang naglalaro sa PBA ang three-point titlist na si Mark Cruz ng Letran.

Mangunguna ang kasalukuyan ang league scoring leader na si Rey Nambatac ng Letran kontra kina Wilson Baltazar ng Lyceum, AC Soberano ng San Beda, Zach Nichols ng Arellano, at Exequiel Biteng ng Mapua.

Magbibigay naman ng matinding hamon sa kanila ang mga baguhang sina Paolo Evardo ng Jose Rizal University, McKevin Velasquez ng Perpetual Help, Regille Ilagan ng San Sebastian College, Carlo Young ng St.Benilde, at Jervin Guzman ng Emilio Aguinaldo College.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa slam dunk contest, mangunguna naman sa mga kalahok ang impresibong rookie forward ng Arellano na si Lervin Flores.

Kabilang sa mga nakahanay niyang katunggali sina Kim Aurin ng JRU, Rommel Mangalino ng Perpetual, Eugene Toba ng San Beda, Allyn Bulanadi ng San Sebastian, Yankie Haruna ng College of St.Benilde, Reynaldo Ular ng Letran, Jaycee Marcelino ng Lyceum, at Sydney Onwubere ng EAC.

Tampok din sa All-Stars ang side event na skills challenge at shooting star.