Sunod na target ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga makapangyarihang nagmamay-ari ng fish cages sa Laguna de Bay.

Ipinag-utos ng Pangulo ang pagwasak sa mga pribadong fish pen, kung saan ang mga mahihirap na mangingisda umano ang dapat na makinabang sa Laguna de Bay, hindi ang mga mayayamang police general, military general, mayor, governor at mga hustler.

“I’m sure, one time or another. Kita mo maglipad ka diyan sa Laguna de Bay. Laguna de Bay puro triangle na fish pens.

Ang makita mong open spaces are the distances between one fence to the other,” ayon sa Pangulo.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“I told them dismantle all of those things and give back Laguna de Bay to the poor fishermen of the country,” dagdag pa nito.

Ang Laguna lake ay nagsu-supply ng halos kalahati sa konsumo ng Metro Manila, ngunit lumiit pa ang supply ng isda dahil sa dami ng fish cages doon.

Ang pagwasak sa fish pens ay hiniling na ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ikinatwiran nito na ang feeds ay nakalalason sa “rightful inhabitants”.

“The chemicals in the fish feeds destroy the lake water and the indigenous marine life,” ayon sa Arsobispo, kung saan kapag wala umanong pag-abuso sa Laguna lake, masisiguro ang supply ng isda sa Metro Manila.

(Leslie Aquino at Genalyn Kabiling)