ISANG American SVD missionary na matagal na panahong nagtrabaho sa Abra na lumipat sa Divine Word College of Laoag ang pumanaw. Sa kahilingan ng kanyang mga kasamahan sa paglilingkod sa Panginoon, ibiniyahe ang kanyang labi sa Abra upang masilayan ng iba pa nilang mga kasamahan ang pinakamamahal nilang pari.

Isang diocesan priest at dating assistant ng pari ang namuno sa Requiem Mass. Ang nakalulungkot, habang inilalahad niya ang kanyang homiliya, siya ay naging emosyonal, ibinahagi niya ang pagsasamahan nila ng kanyang dating pastor hanggang sa siya’y inatake sa puso.

Nagbiro ang ibang mga pari na: “Maybe his former parish priest needed an assistant again in heaven.”

Ipinapakita lamang sa kuwentong ito na hindi natin inaasahan ang kamatayan. Gaya na lamang ng aksidente, ang hindi inaasahang sitwasyon gaya ng pagdaplis ng isang bala sa isang taong walang kamalay-malay, at mga natural na kalamidad.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Gayunman, ngayong ika-19 na Linggo, ipinaaalala sa atin ng Panginoon na maging gising sa katotohanan, alerto at handa.

“Be on guard,” ani Jesus, “the Son of Man will come when you least expect him.” (Lk 12,40).

“It will go well with those servants whom the Master finds watching on his return,” turo ni Jesus.

“Live wisely” sabi ng Panginoon. “Living wisely” ay hindi nangangahulugan sa pang-araw-araw na pangangailangan kundi pagiging handa sa katapusan ng ating buhay dito sa lupa.

May isang mayamang matanda na mag-isa sa buhay at nagsimulang ihanda ang kanyang pagkamatay. Bumili siya ng lupa sa isang memorial garden.

Makalipas ang ilang buwan, nararamdaman na malapit na ang kanyang katapusan, binuo na niya ang kanyang last will and testament. At inimbitahan niya ang kanyang mga kaanak na puntahan siya.

Matapos ang masarap na hapunan, isa-isa niyang ipinamana sa mga ito ang kanyang kayamanan.

Makalipas ang ilang araw, siya’y namatay. Tama ang ginawa ng matanda ngunit para lamang iyon sa kanyang katawan at wala manlang paghahanda sa kanyang kaluluwa.

TANUNGIN ANG SARILI: Ginagampanan ko ba ang aking misyon base sa pagnanais ng Panginoon?

“A life well lived today makes every yesterday a dream and every tomorrow a vision of hope.” (Fr. Bel San Luis, SVD)