Mahigit P34 na milyon halaga ng marijuana ang sinunog ng mga puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA), Philippine National Police at Philippine Army (PA) matapos salakayin ang isang plantasyon sa Kalinga, inulat kahapon.

Sa report ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña, dakong 2:00 ng hapon nang sunugin ng mga awtoridad mga tanim na marijuana sa 16,100 metro kuwadradong plantasyon sa Kasablutan, Locong Tingalayan, Kalinga.

Tinatayang 171,141 puno ng marijuana ang sinira sa tatlong araw na marijuana eradication sa lugar ng PDEA Regional Office–Cordillera Administrative Region (PDEA RO-CAR) sa pamumuno ni Director Juvenal Azurin, Tinglayan Municipal Police Station, Kalinga Provincial Police Office, Regional Public Safety Battalion (RPSB), Provincial Public Safety Company (PPSC), Pasil Municipal Police Station at 50th Infantry Battalion. (Jun Fabon)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'