Nagmamatigas na hindi umuwi ng Pilipinas ang ilang Filipino overseas workers (OFWs) sa kabila ng pagkakaipit at walang pera matapos mawalan ng trabaho sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na karamihan sa mga naipit na OFW ay pinipiling manatili sa mga campsite sa halip na umuwi dahil nais ng mga ito na makuha ang kanilang mga hindi pa nababayarang sahod.
Nauunawaan naman ng Kagawaran ang kanilang kalagayan, na lubhang mahirap umuwi nang walang trabaho at walang pera.
Ayon pa kay Bello, nananatili sa Saudi Arabia ang mga OFW at sumugal dahil umaasa pa rin sila na makakabangon ang kanilang mga employer at muli silang kukunin. (Mina Navarro)