MULING bibigyan ng pagpapahalaga ang musikang Pilipino bukas, Linggo sa gaganaping MOR Pinoy Music Awards sa Kia Theater.

Pangungunahan ng MOR 101.9 For Life ang pagbibigay-pugay sa pinakamahuhusay sa larangan ng Original Pilipino Music sa bansa base mismo sa pinagsama-samang boto ng mga tagapakinig sa radyo, MOR Awards Committee, OPM Board members, at piling OPM artists.

Pangungunahan ng mga DJ ng MOR 101.9 ang programa at nakatakdang magtanghal sina Erik Santos, Yeng Constantino, Daryl Ong, Jason Dy, Bugoy Drilon, Rayver Cruz, Kaye Cal, Morissette Amon, Jona, Zeus Collins, at maraming iba pa.

Maglalaban-laban para sa Song of the Year Award sina Morissette Amon (Di Mapaliwanag), Thryo Alfaro at Yumi Lacsamana (Triangulo), JK Labajo (Para Sa ’Yo), at Kaye Cal (Isang Araw).

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Mahigpit naman ang kumpetisyon para sa Album of the Year Award nina Darren Espanto (Darren), JK Labajo (JK), Silent Sanctuary (Langit.Luha), James Reid (Reid Alert) at iba’t ibang artists para sa Phil Pop 2015.

Sina JK, Darren, at James din ang magkatunggali sa Male Artist of the Year Award at sina Morissette, Kaye, at si Nadine Lustre naman ang maghaharap para sa Female Artist of the Year Award.

Pipiliin din sa Linggo ang magwawaging Best New Artist sa listahan ng mga nominado na kinabibilangan nina Bailey May, Daryl Ong, Matteo Guidicelli, JK, at Darren.

Bukod sa limang parangal na nabanggit, pipiliin din ang mga magwawagi para sa Best Collaboration of the Year, LSS Hit of the Year, Best Revival of the Year, at Regional Song of the Year.

Ang gagawaran ng OPM Achievement Award ay ang beteranong singer-songwriter na si Rey Valera.

Isa lamang ang MOR Pinoy Music Award sa mga paraan ng ABS-CBN para isulong ang Original Pinoy Music o OPM sa mga Pilipino. Bukod dito, taunan din nitong dinaraos ang songwriting competition na Himig Handog P-Pop Love Songs.

Matagumpay ding naipalabas ng ABS-CBN ang mga programang I Love OPM at We Love OPM na pawang OPM ang inaawit at binibigyan ng makabagong kulay.

Huwag palampasin ang MOR Pinoy Music Awards ngayong Linggo (Aug 7), 5 PM sa Kia Theater. Manatiling nakatutok sa MOR 101.9 para sa pagkakataong makakuha ng tickets. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang www.facebook.com/MOR1019 sa Facebook o i-follow ang @MOR1019 sa Twitter.