SAGAING (AFP) – Isang misteryosong sakit ang pumatay ng mahigit 30 bata sa isang malayong lugar sa Myanmar, sinabi ng mga opisyal noong Huwebes, at nahihirapan ang mga awtoridad na gamutin ang mga biktima.
Ang sakit, na may mga sintomas na gaya ng tigdas, ay umusbong sa rehiyon ng Sagaing sa hilaga ng Myanmar, isang liblib at bulubunduking lugar na nasa hangganan sa silangan ng India at tirahan ng mga tribong Naga.
Tinamaan ng sakit ang matatanda at bata simula noong Hunyo, ngunit partikular itong nakamamatay sa mga batang nasa edad lima pababa.
“Altogether 23 children were have been killed in Lahal township and 13 killed in Nan Yon township since June because of this unknown disease,” sabi ni Law Yon, regional MP mula sa Naga self-administrative region.
“Rashes came out on their bodies, they have a fever and difficulty breathing because of coughing. Blood also comes out while coughing,” aniya.
May 200 katao na ang naratay sa sakit, aniya, idinagdag na mabagal ang pagtugon ng mga awtoridad sa kabisera.
Sinabi naman ng isang opisyal ng health ministry sa kabiserang Naypyidaw na iniimbestigahan na nila ang outbreak.
“We assume at an initial stage it’s a measles outbreak or strong influenza. But we can definitely say only when we get the result from laboratory,” sabi ng opisyal na tumangging pangalanan.