BINABATIKOS na si PNP chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa ginagawa niyang kampanya laban sa ilegal na droga. Special treatment daw ang kanyang ibinibigay kay Mayor Rolando Espinosa, Sr. ng Albuera, Leyte. Nang magpakita sa kanya ang alkalde na sangkot umano sa ilegal na droga bago ang taning na ibinigay ni Pangulong Digong sa kanya at sa kanyang anak na si Rolando “Kerwin” Espinosa, Jr., na sumuko o “shoot-on-sight”, dininig niya ang panig nito. Binigyan niya ito ng pagkakataon, sa harap mismo ng media, na makapagpaliwanag at pabulaanan ang paratang sa kanya. Ngayon, dahil ayaw umuwi ng alkalde sa kanyang bayan sa takot na may mangyari sa kanya, pinatulog siya ni Chief Bato sa kanyang opisina sa White House. Ipinaabot na rin daw sa kanya ang pagnanais ni Kerwin na sumuko.

Sa isyu sa isang pahayagan, nasa unang pahina nito ang larawan ng malaki at magarang tatlong palapag na mansion ni Kerwin sa loob ng 1,000 square meter na compound sa Albuera. Mayroon itong swimming pool. Katabi nito ay maliit na bahay na tinitirhan ng kanyang security. Ang ari-ariang ito ni Kerwin ay bunga ng kanyang pagtutulak ng droga. Ayon sa intelligence report ng mga pulis, siya ang pinakamalaking drug lord sa Eastern Visayas.

Nauna sa isyung ito ng pahayagan, sa parehong espasyo, nakalarawan ang maliit na barung-barong ng mag-asawang Michael Siaron at Jennilyn Olares sa Barangay 145, Santo Ñino, Pasay City. Binubuo ito ng pinagtagpi-tagping mga putol na kahoy, lona at plywood na nakatayo sa gitna ng estero. Si Siaron ay binaril at pinatay ng motorcycle-riding gunmen.

Nauna sa kanya ay kung may ilan nang pinatay ang mga pulis sa mga gainitong klaseng tirahan at lugar na mga taong sangkot umano sa ilegal na droga at nanlaban nang sila’y arestuhin.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Hulihin mo ang mga ito,” paliwanag ni Pangulong Digong sa mga nangyayaring pagpapatay, “at ibigay mo sila kay Leila De Lima, ipakukulong lang niya ang mga ‘to sa Bureau of Corrections.” Dito aniya ay magluluto naman sila ng shabu.

Pero Pangulong Digong, sa ginagawa ninyong pagpatay ay mayroon kayong tinitingnan at tinititigan. Alam ninyong ang mag-amang Espinosa ay pinatatakbong parang negosyo ng pamilya ang magtulak ng droga, at batay sa intelligence report, ito ang nagpayaman sa kanila. Pero, binigyan ninyo sila ng “surrender or shoot-on-sight” order.

Ang mga dukha, tulad nina Siaron at kauri niya ay bala kaagad ang ipinalasap ninyo sa kanila. Hindi matatapos sa loob ng tatlo hanggang anim na buwang taning ang ipinangako ninyo na tatapusin ang kriminalidad at droga. Manghihina ang inyong kampanya laban dito kapag ipinagpatuloy ninyo ang ganitong paraan sa kawalan na ng kredebilidad.

(Ric Valmonte)