BRASILIA, Brazil (AP) — Dismayado ang home crowd matapos ang 0-0 draw ng Brazil laban sa South Africa sa pagsisimula ng men’s football sa Rio Olympics.

Sa kabila nang matikas na atake ng Brazilian, sa pangunguna ni Barcelona striker Neymar, gayundin ng mga sumisikat na sina Gabriel Jesus at Gabigol, nabigo ang host na makaiskor ng goal sa napunong Mane Garrincha Stadium.

Sa ika-69 na minuto, nakuha ni Gabriel Jesus, lumagda ng kontrata sa Manchester City, ang pinakamalapit na tira para sa goal, ngunit tumama lamang ito sa poste.

“I have the obligation to score that goal,” aniya. “I’m not used to missing those chances. I’m disappointed. I won’t be able to sleep tonight because of that one.”

Pinakamatandang 'Olympic champion,' pumanaw sa edad na 103

Nauna nang nakasilip ng pagkakataon sina Neymar at Gabigol, ngunit pareho rin silang nabigo na makaiskor para sa Brazil.

“We had the best chances but the ball didn’t go in,” pahayag ni Brazil coach Rogerio Micale.

“And we also have to give credit to South Africa, which has a very determined team and made it difficult for us to impose our game.”