RIO DE JANEIRO -- Nahihirapan ang Rio de Janeiro Olympics Organizing Committee na makapagbigay ng isang matagumpay na palaro dalawang araw bago magbukas ang Quadrennial Games.
Magsisimula ang unang Olympics sa South Amerika sa Biyernes at nananatiling nagmamadali ang organizer upang kumpletuhin ang mga venue at masiguro na malinis na tubig para sa swimmer, rower at sailor.
Naapektuhan ang paghahanda dulot ng pinakamalalang krisis sa ekonomiya ng bansa simula pa noong 1930 at kaguluhan sa pulitika.
"We have seen the difficulties and have always been in solidarity and now we have to deliver together great Games in great unity," sabi ni International Olympic Committee President Thomas Bach sa organizers.
"All praise is premature now and it can be left for Aug. 21 (closing ceremony). It's delivery time now and here we go."
Pinaulanan ng pag-aalala ang presentasyon ng Olympics ni chief Carlos Nuzman at ng kanyang mga executives mula sa mga miyembro ng IOC dahil sa kalidad ng tubig sa lagoon at Guanabara Bay, pati na rin ang kakulangan sa Olympic signage sa mga stadium.
Ginisa rin ng mga miyembro ng IOC ang mga organizers dahil sa mahabang security checks.
Sinabi ni Rio 2016 CEO Sidney Levy na ang isyung ito ang kanyang pinakamalaking alalahanin lalo’t magsisimula ang Palaro
"It is a real challenge how we will transport our people (from Barra to Copacabana)," ani Levy sa IOC.
(Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)