RIO De JANEIRO (AP) -- Inimbitahan para magpailaw ng cauldron ang three-time World champion na si Pele sa opening ceremony ng Rio Olympics, ngunit maaaring maudlot dahil sa ilang sponsorship deal.
Ayon sa isang panayam, sinabi ni Pele na naatasan siya nina International Olympic Committee President Thomas Bach at Rio 2016 organizing committee chairman Carlos Arthur Nuzman na magpailaw ng cauldron.
Kinontra naman ni Philip Wilkinson, spokesman ng Rio 2016 organizing committee, ang sinabi ni Pele, at ayon sa kanya ay sorpresa ang taong magpapailaw ng cauldron sa Olympics.
Sinabi ng 75-anyos football legend na nakipag-usap na siya sa isang sponsor upang makapunta sa opening ceremony sa Biyernes. Nabanggit din niya na personal siyang inimbitahan nina Nuzman at Bach.
“I need to solve the travel issue. It is an international commitment with an English company. But I would love to (light the cauldron),” pahayag ni Pele. “If I manage to change (the travel plans), I would like to have the honor to light it.”
Nanguna si Pele sa Olympic torch run sa Santos, siyudad sa labas ng bayan ng Sao Paulo kung saan siya nagsimula ng kanyang football career, may dalawang linggo na ang nakalilipas.
Noong 2014, si Pele ang nagdala ng Athens Games torch sa Rio at naging emosyonal ng gawin ito. Sinabi niya na isa sa mga pinagsisisihan niya sa kanyang career ang hindi pagsali sa Olympics.
Ayon sa report ng Brazilian media, tatlong retirees ang kanilang nais na magpailaw ng cauldron sa Biyernes sa Macarana stadium: sina Pele, sailor Torben Grael, at tennis player Gustavo Kuerten. (Isinalin ni Helen Wong)