Inaprubahan na ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang Board Resolution No. 06 ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kung saan inilalaan ang P500 milyon para sa emergency assistance sa mga problemadong overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

“Ang cash relief assistance ay binubuo ng P20,000 kada apektadong manggagawa at P6,000 cash assistance kada pamilya,” pahayag ni Bello.

Umaasa si Bello na ang tulong-pinansiyal ay makababawas sa hirap na dinaranas ng mga OFW na naapektuhan ng krisis sa ekonomiya sa Gitnang Silangan.

Ang mga apektadong OFW ay nagtatrabaho sa siyam na kumpanya sa Saudi, kabilang na ang Al Mojil Group (MMG), Saudi Bin Laden Group, at ang Saudi Oger.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga kumpanyang ito ay dumanas ng problemang pinansiyal na nakaapekto sa kanilang pagtupad sa obligasyon, dahilan upang maantala o hindi maibigay sahod at iba pang benepisyo ng OFWs. (Mina Navarro)