PARA sa kababaihan, likas na bahagi lamang ng pagtanda ang menopause, ngunit maaari rin nitong pabilisin ang pagtanda, ayon sa bagong pag-aaral.

Sinuri ng researchers ang mga impormasyon mula sa mahigit 3,100 kababaihan na nag-menopause na. Nagbigay ang kababaihan ng blood samples para matukoy ng mga researcher ang kanilang “biological age” – ito ang edad ng kanilang mga cell, kaysa sa kanilang chronological age. Natutukoy ng mga researcher ang biological age ng cell sa pagtingin sa DNA methylation, na isang biomarker na maiuugnay sa aging.

Napag-alaman ng mga scientist na sa hanay ng kababaihan na magkakapareho ang chronological age, ang mga nag-menopause ng mas maaga ay mas matanda biologically kaysa mga nahuling nag-menopause.

Napag-alaman nila na ang menopause ay nakakapagpabilis ng cellular aging sa anim na porsiyento, ayon sa study researcher na si Steve Horvart, professor ng human genetics at biostatistics sa University of California, David Geffen School of Medicine sa Los Angeles. Ibig sabihin, kung ang dalawang babae ay parehong nasa edad 50 pero ang isang babae ay nag-menopause sa edad na 42 at ang isa ay nag-menopause sa edad 50, ang babae na nag-menopause sa edad 42 ay mas matanda ng isang taon biologically, kumpara sa isa pa, sabi ni Horvath

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Ang kababaihan na sumailalim sa operasyon para tanggalin ang kanilang ovary bago sumapit sa edad 50 ay mas matanda rin biologically kumpara sa ibang kababaihan sa pag-aaral, ayon sa isang analysis ng kanilang blood cells.

“Our study strongly suggests that the hormonal changes that accompany menopause accelerate biological aging in women,” saad ng mga researcher sa pag-aaral na inilathala noong Hulyo 25 sa journal na Proceedings of the National Academy of Sciences.

Sinasabi sa resulta na ang kababaihan na sumailalim sa maagang pagme-menopause ay maaaring may nanganganib sa age-related diseases, o maagang pagkamatay, sabi ng mga researcher.

Ngunit ang mga susunod na pag-aaral ang maaaring magbunyag kung ang mga gamutan para sa mga sintomas ng menopause tulad ng hormone replacement therapy, ay nakakapigil ng epekto nito, ani researchers.

Natuklasan sa isang bagong pag-aaral na ang kababaihan na sumailalim sa hormone replacement therapy para sa menopause ay mas bata biologically kumpara sa ibang kababaihan, ayon sa analysis ng cheek-cell samples.

“The big question is, ‘which menopausal hormone therapy offers the strongest anti-aging effect while limiting health risks?’” ani Horvath sa isang pahayag. (Live Science)