Dumulog sa Korte Suprema ang grupo ng mga kabataan para pormal nang ihirit ang pagpapalawig sa registration para sa Sangguniang Kabataan elections na nagtapos noong Hulyo 30.
Pinangunahan ng Akabayan Youth ang pagdulog sa Supreme Court (SC) upang ipanawagan sa Commission on Elections at SC na magtakda ng hiwalay na 15 araw pa para mabigyan ng pagkakataon ang iba pang mga kabataan na makapagparehistro dahil hindi nakahabol sa registration.
Iginiit ng grupo na kulang ang inilaan na panahon ng Comelec para makapagparehistro ang maraming kabataan sa bansa.
“Sa bagong batas sa SK Reform Law, nakasaad dito na dapat ang bagong registration ay hindi bababa sa 30 days pero nitong nakaraang registration ay tumagal lamang ng 15 days o dalawang linggo,” wika ni Migs Angeles, secretary general ng Akbayan Youth. (Beth Camia)